Champion f2, nakatutok sa next invitational cup


KASUNOD na paghahandaan ng F2 Logistics Cargo Movers ang Philippine Superliga Invitational Conference sa Oktubre matapos magkampeon kontra Cignal HD Spikers sa All-Filipino Cup sa MOA Arena.
Mahaba ang nilakbay ng F2 bago nakamit ang titulo. Matapos manguna sa mid-season conference noong 2016, yumuko ang Cargo Movers sa Petron Blaze Spikers noong 2017 at 2018 kaya naman nangako silang reresbak sa prestihiyosong women’s volleyball tournament.
Nabingwit ang pinakamalaking isda sa isang free-agent market si Kalei Mau.
Sa tikas ng Fil-Am spiker sa attack zone, naitala ng F2 ang 11-game winning streak hanggang sa ipalasap sa Blaze Spikers ang masaklap na pagkatalo sa quarterfinals kasunod ng pambibiktima sa PLDT Home Fibr sa preliminaries sa 12-2 win-loss card. Giniba ng F2 ang Sta. Lucia sa q’finals bago dinomina ang Foton Tornadoes sa semis upang maitakda ang finals showdown sa Cignal na tumigpas sa Petron sa final 4.
Tinalo ng F2 ang Cignal sa Game 1 final sa husay nina Mau, Aby Maraño, Majoy Baron at Ara Galang. “I always tell my players that we’ve always been in the finals, but we fell short,” ayon kay F2 coach Ramil de Jesus na tinapos na ang championship dynasty ng Blaze Spikers. “Now, we can call ourselves winners and it feels really good to finally reach our goal. I’m thankful that she chose us despite offers from other teams.”“But don’t get me wrong; even before Kalei’s arrival, F2 Logistics had always been a solid team. We are ready to play anytime and we have been in the finals in the past three years.” (VA / MC)





Comments