Bolts, lalarga sa fiba asia champion’s cup

NAKATAKDANG sumabak ang Meralco Bolts sa 2019 FIBA Asia Champions Cup sa Bangkok sa Setyembre 24-29.
Ito ang ikalawang diretsong taon para sa Bolts na aaksiyon sa naturang continental clubs. Nagtapos sila na 4th place noong 2018 matapos talunin ng Korean SK Knights para sa bronze medal. Palalakasin ang koponan nina import Allen Durham at dating PBA import Renaldo Balkman. Si Durham ang import ng Bolts noong 2018 Champions Cup kasama si Diamond Stone.
Apat na PBA teams ang aalis sa Setyembre para katawanin ang bansa, ayon sa PBA.ph. Ang Beermen, Blackwater Elite at TNT ay maglalaro sa East Asia Super league The Terrific 12 sa Setyembre 17-22. Tsansa na ng mga koponan na maglaro sa ibang bansa para paghandaan ang season-ending PBA Governor’s Cup. Abala ang mga pro league sa paglalaro sa ibang bansa. Ang game ng PBA ay darako sa Dubai para sa Governor’s Cup game tampok ang Beermen, Ginebra at NLEX.





Comments