top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Resbak sa panlalait sa kanya… KRIS, KINOREK ANG WRONG GRAMMAR NG BASHER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAG-I-ENJOY sa Boracay si Kris Aquino at ang mga anak na sina Josh at Bimby at tila wala pang balak bumalik ng Manila.

Ang gandang tingnan ng video ng mag-iina, pati ‘yung kina Josh at Bimby noong mag-jet ski ang magkapatid. Dahil nasa dagat, nag-swimsuit si Kris. Hindi lang siya nakaligtas sa paninita ni Bimby dahil manipis daw ang suot niyang cover-up.

Dahil nag-i-enjoy, dedma si Kris sa mga bashers na kung bakit ayaw siyang tigilan. Ayaw na nga lang magpaapekto sa kanila ni Kris, gaya ng basher na pati edad ng aktres ay ginawang isyu, eh, never naman niyang itinatago na 48 years old na siya. Thankful pa nga siya na umabot sa ganu’ng edad kahit may autoimmune disease siya.

Post ni Kris: “Alam ko naman kung sino’ng gustong ma-bad trip ako, but I’m alive when realis­tically it’s amazing to still be breathing. Kaya GRATEFUL.”

Ang masama pa, pati pag­po-post ni Kris ng view ng Bo­racay, ginawang isyu ng basher. Nakakaloka lang dahil may-edad na ang basher, kaya siguro hindi na siya sinasagot ni Kris pero ‘kaaliw na kinorek ang mali nitong grammar. Hahaha!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page