Problemado sa pamilya | LALAKING NAG-AMOK, TODAS SA PULIS
- Jeff Tumbado
- Aug 28, 2019
- 1 min read

NAPATAY ng pulis ang 50-anyos na lalaki sa nangyaring pag-aamok nito dahil sa kalasingan sa Sogod, Cebu.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang suspek na si Eleazar Canete sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.
Alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang makatanggap ng reklamo ang kanilang himpilan kaugnay sa lalaking nagwawala habang may hawak na granada at baril.
Nang dumating sa lugar ang ilang rumespondeng pulis ay pinakiusapan ang suspek na bitawan nito ang kanyang dalang armas subalit, tumanggi umano ito sa utos dahilan para siya ay barilin.
Bago ang ginawang pag-aamok ni Canete ay huling nakita ito na umiinom ng alak sa loob ng kanyang bahay dahil umano sa problema sa pamilya.





Comments