Out sa 2nd half sa basketball… ZANJOE, NAAKSIDENTE SA ALL-STAR GAMES, MATA NAPURUHAN
- Vinia Vivar
- Aug 28, 2019
- 1 min read

Photo : @onlyzanjoemarudo
NAGKAROON ng injury si Zanjoe Marudo sa katatapos lamang na Star Magic All Star Games 2019 last Sunday held at the Araneta Coliseum.
Zanjoe was part of the Warriors Team sa basketball division along with Gerald Anderson na siyang team captain kasama sina Daniel Padilla, Kyle Velino, Gerhard Acao, Patrick Sugui, Joe Vargas, Jose Sarasola, Ronnie Alonte, Donny Pangilinan, Axel Torres, Young JV Kapunan, JC de Vera, Ejay Falcon and Joseph Marco.
Ipinost ni Zanjoe sa kanyang Instagram account ang larawan ng sugat na natamo sa may itaas ng kanyang mata malapit sa kilay at medyo malalim ito.
Kinailangang tahiin ang sugat ni Z at nag-post din siya ng photo na natahi na ito. Sa last picture ay makikitang may cover na ang wound at naka-thumbs-up pa ang aktor which means, okay na.
Sa caption, Z wrote, “Malayo sa bituka. Congrats Team RED!” at nilagyan ng hashtag na “#sorrysaphotos.”
Ibinalita rin ng abs-cbn.com na nagkaroon nga ng minor injury si Zanjoe at hindi na naglaro after the 2nd half. Pero for sure ay bittersweet ang injury for Zanjoe dahil ang team niya ang hinirang na champion sa basketball.





Comments