Mga bading, todo-hingi ng respeto pero walang respeto sa kababaihan
- BULGAR

- Aug 28, 2019
- 2 min read
AROGANTENG “TRANSWOMAN” SI CONG. GERALDINE ROMAN—Hindi pala ang janitress ang kusang nagpaalis sa “transwoman” na si Gretchen Diez sa ladies’ room kundi ang ilang kababaihan mismo na naiilang na may “transwoman” (Diez) silang kasama sa loob ng CR.
Ito namang si Bataan Rep. Geraldine Roman na isa ring “transwoman”, imbes na unawain ang mga babae, may pagkaarogante pang sinabi na kung nasusuka o may problema raw ang mga babae ay magtiis sila.
Hay, naku, gusto ng mga bading na irespeto sila, pero ayaw nilang irespeto ang CR na pambabae, boom!
◘◘◘
SA GALIT NI P-DUTERTE, TIYAK NA MABUBULOK NA SA BILIBID SI EX-MAYOR SANCHEZ—Umuusok sa galit na sinabihan ni P-Duterte ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) na huwag isama ang convicted rapist-killer na si ex-Mayor Antonio Sanchez sa mga palalayain kaugnay sa “reduced prison term” na nakapaloob sa batas na RA 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Dahil sa utos na ‘yan ng pangulo, asahan nang mabubulok sa Bilibid si Sanchez, yehey!
◘◘◘
MGA ILLEGAL VENDORS, BALIKAN NA NAMAN SA DIVISORIA, RECTO AT JUAN LUNA—Viral ngayon sa social media na nagbalikan ulit ang mga illegal vendors sa Divisoria, Recto at Juan Luna, pawang sa Lungsod ng Maynila.
Kung sinuman ang nagbigay ng pahintulot sa mga illegal vendors na makapagtinda ulit sa mga lugar na ‘yan ay dapat ipaaresto ni Mayor Isko Moreno kasi siya ang masisira dahil malinaw ang kanyang sinabi noon na kapag nagbalikan daw sa Divisoria, Recto at Juan Luna ang mga ito, ibig sabihin, tumanggap na rin siya ng “tongpats”, boom!
◘◘◘
MAYOR OLIVAREZ AT COL. ROSALES, “NGANGA” SA RAKET NA LOTTENG NI “JEKJEK”—Nang ibalik ni P-Duterte ang operasyon ng lotto, ang ginawa ng isang alyas Jekjek ay nag-operate ng raket na lotteng sa Parañaque City.
O, ano, Mayor Edwin Olivarez at Chief of Police Col. Rogelio Rosales, “nganga” na lang ba kayo sa raket ni “Jekjek”? Aba, aksiyon na, dali!




Comments