top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bilang ng mga batang nabubuntis lumobo, 500 babies kada araw | SEX EDUCATION SA ELEMENTARY

  • Jeff Tumbado
  • Aug 28, 2019
  • 1 min read

SA gitna ng paglobo ng mga kaso ng teenage preg­nancy sa bansa, itinutulak sa Kamara na kumilos ang gob­yerno para mag­patupad ng national policy na pipi­gil sa maagang pagbubuntis at protektahan ang kabata­ang babae.

Sa House Bill 2297 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act, pinakikilos ang National Youth Com­mis­sion, Department of Edu­ca­tion, Department of Health at iba pang kaugnay na ahen­siya ng pamahalaan upang bumalangkas ng Na­tional Program of Action na pipigil sa teenage pregnancy.

Nililinaw sa panukala na ang edad ng adolescents ay ang bahagi ng populasyon ng may edad na 10 hanggang 19 taon.

Ang sektor ng edukas­yon ay inaatasan na ituro sa mga estudyante simula sa Grade 5 at sa out of school youth ang komprehensi­bong responsableng sex education.

Ang mga sexually active na adolescent ay bibigyan ng pagkakataon sa moder­nong family planning me­thod na may naaangkop na counseling.

May social protection din para sa mga teenage mo­ther upang hindi na maulit ang maagang pag­bu­buntis at maging responsableng mga batang magulang.

Batay sa rekord ng Phi­lippine Statistics Authority, noong 2014, may 500 sang­gol ang ipinapanganak ng mga teenage mother kada araw.

Ayon sa United Na­tions Population Fund, ang Pili­pinas ang may pinaka­mataas na rate ng teenage pregnan­cies sa anim na bansa sa Association of South­east Asian Nations at ang tanging bansa na ang rate ay patuloy sa paglobo.

Ang naturang proposal ay mula kina Laguna Repre­sentative Sol Aragones at Al­bay Representative Edcel Lagman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page