top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Trabaho para sa mga senior citizens at PWDs sa mga fastfood, gawin na sa buong bansa

  • Isko Moreno
  • Aug 27, 2019
  • 1 min read

NAIS nating pasalamatan ang pamunuan ng Jollibee, Chowking, Mang Inasal at Greenwich sa nilagdaang Memorandum of Agreement o MOA sa Lungsod ng Maynila kung saan inaatasan nito ang kanilang mga branch na makapagbigay ng trabaho sa dalawang senior citizens at isang PWD sa kani-kanilang mga branch.

Trabaho para sa mga senior citizens at PWDs sa mga fastfood - Iskor ni Yorme Isko Moreno

Malaking bagay ito sa mga senior citizens at PWDs sa Maynila na kung tutuusin ay puwede pa naman talagang makapagtrabaho. Ang ganitong klaseng patakaran ay mahigpit na sinusunod sa sa Amerika.

May mga alituntunin ang nasabing MOA kung saan inatasan ang mga branch ng nasabing fastfood chain na gumawa ng programang naaayon sa mga senior citizens at PWDs at hindi rin sila puwedeng bigyan ng mabibigat na trabaho o magtrabaho nang lagpas sa walong oras.

Ang Manila Public Employment Services Office ang siyang mangangasiwa ng mga aplikante at kailangan nilang masiguro na maayos ang kalusugan ng mga ito bago bigyan ng trabaho.

Marami ang natuwa sa programang ito dahil napakarami sa Maynila ang mga seniors at PWDs na hindi kayang suportahan ang pamilya o sarili nila. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ulit ng pagkakataon ang ating mga kababayan na maging productive citizen ng ating siyudad at bansa.

Sana ay sumunod na rin ang ilan pang malalaking fastfood chain at restaurant hindi lamang sa Lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa upang lahat ay makinabang sa napakagandang programang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page