top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

No show sa National Heroes Day — Bong Go | P-DIGONG, MASAMA ANG PAKIRAMDAM

  • Mylene Alfonso
  • Aug 27, 2019
  • 1 min read

WALA umanong dapat ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos bigong makadalo sa selebrasyon ng National Heroes Day sa Taguig City, kahapon ng umaga.

“He’s okay. The presi­dent is in good health,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Batay sa orihinal na is­kedyul, alas-8:00 ng umaga pangungunahan dapat ng pangulo ang aktibidad sa Li­bingan ng mga Bayani.

Ayon naman kay Sena­dor Christopher ‘Bong’ Go, kailangang magpahinga ng pangulo dahil sa dami ng iskedyul nito.

“He is indisposed. Se­venty-four years old na po ang pangulo at kailangan niya ring magpahinga. Ang dami namin lakad. Siya ang pa­ngulo, ang dami niyang la­kad,” ani Go.

“He is not feeling well,” dagdag pa ng senador.

Ayon kay Go, may mga pinirmahang dokumento ang pangulo at nakipagpulong pa kay Moro National Libera­tion Front founding chairman Nur Misuari at sa iba pa ni­tong nakaraang linggo.

Gayunman, sinabi ni Go na wala rin dapat ikabahala sa kalusugan ng Punong Ehekutibo dahil magkasa­ma sila hanggang alas-4:00 ng madaling-araw nitong Lunes.

Nagtungo naman si P-Du­terte sa Calbayog City, Sa­mar kahapon ng hapon para bisitahin ang labi ng da­la­wang namatay na sundalo matapos ang sagupaan sa New People’s Army (NPA).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page