Misis nakaaway, mister nagbigti
- Maeng Santos
- Aug 27, 2019
- 1 min read

DEDO ang 44-anyos na mister matapos magbigti makaraang makatalo ang kanyang misis dahil sa selos sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si William Aquino na natagpuan ng kanyang anak na nakabigti gamit ang sinturon sa loob ng kanilang bahay sa Malinta Bukid.
Sa pahayag ng asawang si Althea, 42, kay Valenzuela Police SIDMB Chief P/Major Amor Cerillo, pagdating niya ng bahay galing sa trabaho alas-10:30 ng gabi ay umiiyak na sinalubong siya ng anak at sinabing nagpakamatay ang ama.
Agad tinungo ng ginang ang silid nilang mag-asawa at bumulaga ang nakabigting asawa saka pinutol ang nakapulupot na sinturon sa leeg bago itinakbo sa Valenzuela Medical Center subalit, hindi na ito umabot ng buhay.
Nabatid sa ginang na noong Sabado ng gabi ay muli silang nagtalo dahil sa selos.





Comments