Mga bading ‘wag nang ipilit gumamit ng CR ng babae, pls. lang!
- BULGAR

- Aug 27, 2019
- 2 min read
PAGGAMIT NG MGA BADING SA CR NG MGA BABAE, ‘WAG NANG IPILIT! —Matagal nang tanggap ng publiko ang pagkatao ng mga bading o lalaki na pusong-babae.
Ang hindi lang katanggap-tanggap ay ang gustong mangyari ng transgender na si Gretchen Diez na silang mga bading ay payagang pumasok at gumamit sa CR (comfort room) ng mga babae kasi sabihin man na nakabihis-babae sila, lalaki pa rin sila, boom!
◘◘◘
MAGANDA ANG LAYUNIN NG MALASAKIT CENTER, PERO SI LAGMAN, KINUKUWESTIYON ITO—Pinutakti ng batikos si Albay Rep. Edcel Lagman sa pangunguwestiyon nito sa programang Malasakit Center nina P-Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go.
Talagang batikos ang aabutin ni Cong. Lagman sa publiko kasi gumawa na ng paraan sina P-Duterte at Sen. Go na mailapit sa mamamayan na nangangailangan ng tulong-medikal ang programang tulad ng Malasakit Center na funded ng PCSO, PAGCOR, DSWD, PhilHealth at DOH na inilalagay sa mga public hospitals tapos kinukuwestiyon pa niya, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
OPEN NA ANG STL, PERO SA ALBAY, JUETENG ANG NAG-O-OPERATE?—Aprub na kay P-Duterte na muling mag-operate ang Small Town Lottery (STL) basta susunod lang ang mga STL franchise holders sa mga bagong patakaran ng PCSO.
Ang problema sa Albay, hindi raw STL ang ino-operate nina “Jun Moriones” at “Mang Ramon” kundi jueteng.
Paging PNP-Region 5 Director Brig. Gen. Arnel Escobal, Albay PNP Director Col. Wilson Asueta at Albay Gov. Al Francis Bichara, pakitokhang n’yo na sina “Jun Moriones” at “Mang Ramon” kasi kapag nalaman ni P-Duterte na jueteng ang nag-o-operate sa jurisdiction n’yo at hindi STL, malamang, malintikan kayo, boom!
◘◘◘
“TASK FORCE MAVERICK”, NAMAMAYAGPAG SA PROTECTION RACKET —Noong panahon pa ni ex-PNP Chief Gen. Nicanor Bartolome binuwag ang PNP-Task Force Maverick dahil nasangkot ito noon sa protection racket ng mga iligalista sa bansa.
Pero, sa kabila na lansag na ang “Task Force Maverick” ay may grupo raw ng mga “tongpats” collector ang gumagamit pa rin sa task force na ito para makapanghingi ng payola sa mga iligalista, buwisit!





Comments