Lalaking magpapalit-palit muna ng GF bago mahanap ang magiging asawa


Katanungan
Hindi pa ako nagkaka-girlfriend kaya nais kong malaman kung sino sa dalawang crush ko ang magiging girlfriend ko? ‘Yung una ay tawagin nating Ms. Leo na isinilang noong August 19, 1993 at ‘yung ikalawa naman ay si Ms. Sagittarius na isinilang noong December 17, 1993 habang September 16, 1994 naman ang birthday ko. Kung liligawan ko ang isa sa kanila, sino kaya ang magiging first girlfriend ko?
Sa edad kong 24, magkaka-girlfriend na kaya ako at sino siya?
Kasagutan
Ayon sa iyong mga datos, Mr. Virgo, dalawang kabiguan sa pag-ibig ang nakaumang sa iyong harapan na inilarawan ng dalawang bilog na hugis o island sa kaliwa at kanan mong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a. at b.).
Ibig sabihin, ang unang kabiguan ay “mild” lang ang mararamdaman mong sakit kung saan bagama’t nabigo ka, hindi matindi ang impact ng kalungkutan. Ito ang nakatakdang mangyari sa‘yo sa dalawang crush mo. Ibig sabihin, magiging girlfriend mo rin sila, lalo na si Ms. Sagittarius.
Dahil hindi mo siya tunay na katugma, pagkatapos ng mga ilang buwan ng pagiging “mag-on” ninyo, ang dating mainit na suyuan ay mauuwi rin sa wala. Puwede rin nating sabihing fling na relasyon o panandaliang, suyuan, pero matapos ang halos isang buwan, maglalaho at matutunaw ang nabuong ugnayan. Ibig sabihin, kapag naging girlfriend mo si Ms. Sagittarius, magiging masaya ka, ngunit, sa sandaling mawala siya, roon lalatay sa iyong katauhan ang matinding kalungkutan na inilalarawan ng unang maliit na bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
3. Gayunman, pagkatapos ng ilang buwang kalungkutan, madali kang makare- recover upang pagkalipas ng panahon ay si Ms. Leo naman ang magiging girlfriend mo, pero tulad ng naranasan kay Ms. Sagittarius, hindi rin magtatagal ang inyong relasyon na inirepresenta ng ikalawang maliit na bilog o island sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Mga Dapat Gawin
Ang tanong ngayon, matapos mong mabigo kina Ms. Leo at Ms. Sagittarius, sino ang susunod mong magiging girlfriend?
Ayon sa iyong mga datos, Mr. Virgo, pagkatapos mong mabigo kina Ms. Leo at Ms. Sagittarius, magkaka-girlfriend ka ng babaeng isinilang sa zodiac sign na Cancer. Ang inyong relasyon ay medyo magtatagal pero, hindi rin siya ang iguguhit ng kapalaran sa iyong kaisa-isa at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Bagkus, ang sakto at talagang pangmatagalan mong magiging girlfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa na inilarawan ng kaisa-isa at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) ay babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2022, sa edad mong 28 pataas kung saan sa panahong ‘yun, makapag-aasawa ka na at tulad ng nasabi na, sa piling ng nasabing babae ay tuluyan na kayong makabubuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments