HPG officer, pinagbabaril ng riding-in-tandem
- Jeff Tumbado
- Aug 27, 2019
- 1 min read

NASA kritikal na kalagayan ang retiradong miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group matapos pagbabarilin sa Surigao City, Surigao del Norte.
Kinilala ang biktimang si Alfredo Aristan, 63, nagsisilbi ring LTO officer ng Surigao del Norte.
Ayon sa paunang pagsisiyasat, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima nang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng motor.
Nang masabayan ang biktima, agad pinaputukan ng mga suspek ang dating pulis na sumemplang at bumulagta.
Mabilis na naisugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa mukha at iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek habang inaalam pa ang motibo ng krimen.





Comments