Horoscope | Agosto 27, 2019 (Martes)
- Maestro Honorio Ong
- Aug 27, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 27, 2019 (Martes): May dahilan ang lahat ng nangyayari sa balat ng lupa at ang dahilan kung bakit pinatitibay ka ng iyong kapalaran ay dahil malalaki ang iyong mga suwerte.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mong buo ang loob mo at ipakikita sa iyo ng langit na ang mga buo ang loob ay aani ng malalaking suwerte sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-24-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong limitahan ang iyong kakayahan. Itodo mo ito at magugulat ka dahil nag-aabang sa landas na iyong nilalakaran ang mga suwerteng nakamamangha. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-39-40-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Tiwala sa sarili ang panlaban sa pag-aalinlangan. Balikan mo ang iyong nakaraan at makikita mong malalaking pagsubok ang iyong nilagpasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-16-23-28-33.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakayanig ang mga hamon ng iyong kapalaran pero, dahil nakayanan mo ang mas mahihirap na iyong pinagdaanan, mayanig ka man, ikaw ay magtatagumpay. Masuwereng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-25-27-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kulang ka sa pagiging seryoso. Ito ang dahilan kung bakit bigla kang umaayaw sa magandang pagkakataon na nasa iyong harapan. Magseryoso ka at malayo pa ang iyong mararating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-25-28-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ang reyalidad. Sa ganitong paraan, muling aabante ang buhay mo. Huwag kang tumulad sa iba na ang nakikita ay mga hindi katotohanan dahil nila ang kanilang sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-24-31-32-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababawasan ang saya mo dahil magsisimula nang makita mong ang buhay ay nangangailangang tumutok sa mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-29-30-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Mapapalaban ka sa problemang akala mong hindi mo kaya pero sa huli, ikaw mismo ang magsasabi sa sarili mo na kayang-kaya mo pala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-19-20-21-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sino ang natakot pero nang tumapang ka ay bumukas ang mga pintuan ng mga biyaya at pagpapala mo? Sino pa nga ba, walang iba kundi ikaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-25-27-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sundin mo ang mga plano mo at hindi ka mabibigo. Kung hindi mo ito susundin o babaguhin, ang kabiguan ay naghihintay sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-28-30-41-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Siya na nasa hulihan ay tinawag sa unahan. Siya na may mga kakulangan at kapintasan ay pinagkatiwalaan. Ang siya na tinutukoy ay walang iba kundi ikaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-15-17-20-24-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Duwag ka at ito ang totoo. Pero, puwede kang tumapang at ito ay alam na alam mo. Kailangan mong maging matapang dahil ang nananatili sa kaduwagan ay mapag-iiwanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-17-27-28-34.




Comments