Biktima ka ba ng paasa, ghosting etc.? Basahin mo ‘to... IBA‘T IBANG DATING TERMS NG MGA MILLENNIAL


MARAMING kabataan ang inlababo ngayon, pero mayroon din namang mga miyembro ng camp sawi kung saan sa maling tao sila napunta, nakalulungkot, ‘di ba? Pero, ganu’n talaga, kaya alamin natin ang iba’t ibang dating terms ng mga millennial para maintindihan natin kung anu-ano ang kanilang mga pinagdaraanan pagdating sa usaping love life:
1. GHOSTING. Ito ‘yung tipong okay naman kayo, pero bigla ka na lang niyang hindi kinausap. ‘Yung feeling na daig pa niya ‘yung multo, kasi buti pa ‘yun nagpaparamdam, pero siya hindi na, tapos, parang wala kayong pinagsamahan.
2. BREAD CRUMBING. Ito ‘yung ma-effort at ipinararamdam talaga niya sa’yo na gusto ka niya, pero hanggang du’n lang ‘yun dahil ayaw niya ng commitment. Naku, iyak ka kapag nasa ganito kang sitwasyon dahil napunta ka sa “paasa”.
3. ORBITTING. Ito ‘yung dating term na over protective sa’yo ‘yung lalaki, pero wala namang kayo. Ayaw ka niyang mapunta sa iba, pero wala kayong “commitment”.
4. BENCHING. Tulad sa basketball, ginagawa kang reserba dahil alam niyang kahit mambabae o manlalaki siya, eh, mababalikan ka niya. Aww!
5. CATCH AND RELEASE. Sa una, sobra kung mag-effort dahil gustong makuha ang matamis mong “oo”, pero kapag nakuha na, wala na, magsasawa na at titigil na sa pag-e-effort.
6. ZOMBIE-ING. ‘Yung tipong pagkatapos kang i-ghost, eh, babalik na parang walang nangyari. Sobrang confident na makipagbalikan, akala mo walang nasaktan. Ganern!
7. THINGING. Para itong “fling” kasi may something lang kayo, pero hanggang du’n lang ‘yun at hindi na puwedeng lumagpas pa ru’n. ‘Yun lang!
8. CRICKETING. Ito ‘yung mga pabebe mode dahil gustung-gustong hinahabol sila, para malaman nila kung talagang susuyuin sila ng tao, kaloka, ‘di ba?
Ngayong alam na natin ang mga term na ito, saan kayo naka-relate, mga besh? He-he-he!
Panigurado, bumalik sa alaala ninyo ang sakit ng kahapon, pero siyempre kailangan nating mag-move on.
Okidoki?





Comments