top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Asawa, umuwi sa probinsiya | MISTER NAG-AMOK, 3 DEDBOL

  • Gina Pleñago
  • Aug 27, 2019
  • 1 min read

TATLO ang patay kabi­lang ang suspek sa Bgy. CAA, Las Piñas City.

Kinilala ni Police Chief Col. Simran Gran, ang mga nasawi na sina Dancecil Bilog, 35, negosyante; Reniel Nonato, 16, at tiyuhing sus­pek na si Renan Fulgencio, nasa hustong gulang.

Pumasok sa kanilang ba­hay ang suspek na umano’y lango sa alak kung saan na­datnan ang pamangkin sa salas at agad hinatak at inun­dayan ng saksak.

Lumabas ng bahay ang suspek saka hinatak ang ka­pitbahay na si Bilog at pinag­sasaksak din.

Nakatakbo si Bilog pero, hinabol siya ng suspek saka muling pinagsasaksak.

Nagtago sa isang bahay ang suspek at halos isang oras ang pakikipagnegosasyon ng mga pulis para pasukuin ito. Gayunman, nang luma­bas ay tinangka umano ni­tong manlaban kaya nabaril.

Ayon sa mga kapitbahay, maaga pa ay nag-iinom na ang suspek. Napag-alamang, umalis ang asawa ng suspek na si Maricel para umuwi sa Cebu.

Ayon naman kay Ange­line Andaya kapatid ni Ma­ricel, inihatid pa umano ng suspek ang asawa sa air­port.

Nilinaw naman ni Col. Gran na walang nangyaring hostage-taking sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagwawala ng suspek at inaalam kung nag­talo ba sila ng kanyang misis nang ihatid nito sa paliparan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page