top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Albay Rep. Lagman, sablay sa pagkuwestiyon sa Malasakit Center

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2019
1 min read

MARAMI ang naku-curious kung ano ba talaga ang Malasakit Center?

May sakit lang ba ang maaaring magpunta rito?

◘◘◘

HINDI ahensiya o tanggapan ng gobyerno ang Malasakit Center.

Ito ay mistulang one-stop shop!

◘◘◘

BINATIKOS ni Albay Rep. Edcel Lagman ang Malasakit Center kaya nilinaw ni Sen. Christopher “Bong” Go ang mithiin nito.

Binuo ang Malasakit Center upang alalayan ang mga kapus-palad na mabilis makahingi ng tulong sa mga ahensiya ng gobyerno!

◘◘◘

NAGSAMA-SAMA sa isang pu­wes­to ang mga kinatawan ng PCSO, PAGCOR, DSWD, Phil­Health at DOH upang mabilis na maaksi­yunan ang mga idinaraing at pangangailangan ng mga nagda­rahop.

Taliwas sa paniniwala ni Rep. Lagman, hindi ginagamit ang Mala­sakit Center sa pOlitika sapagkat ito ay patuloy na serbisyo kahit walang eleksiyon!

◘◘◘

KAHIT sino ay maaaring magsadya rito at hindi kailangan ang mga valid IDs o referral letter mula sa mga pulitiko o kilalang tao.

Mahigit nang 500,000 katao ang natulungan ng Malasakit Center dahil wala silang itinataboy!

◘◘◘

ITINATAG ang Malasakit Center noong 2017 sa pagsisikap nina P-Duterte at Sen. Go.

Ito ay para tulungan na maka­pagpagamot ang mga nagdarahop na mamamayan!

◘◘◘

NAKAPAGTATAKANG nais ni Rep. Lagman na paimbestigahan ito, gayung aktuwal itong nakaTUtulong sa mga nagdarahop.

Hindi kaya nag-uulyanin na si Rep. Lagman o simpleng naiinggit lang?

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page