top of page

Pabagu-bagong klima at stress, sanhi ng singaw

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Aug 27, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Madalas akong magkaroon ng singaw sa bibig, wala naman akong sirang ngipin. Wala pa akong ipinapahid na gamot, nagmumumog lang ako ng maligamgam na tubig na may asin. ‘Yun nga lang, mahigit isang linggo bago ito tuluyang gumaling. Saan ba nakukuha ang singaw? — Jennilyn

Sagot

Ang singaw o mouth sores ay kondisyon kung saan may bahagi ng bibig na nagiging mahapdi. Ito ay madalas matagpuan sa gilagid (gums), sa likod ng labi (lips) o dila (tongue) o anumang bahagi ng bibig. Ito ay karaniwang hugis bilog na bahagyang pailalim at maaaring mas maputi ang kulay kung ikukum­para sa mapulang bahagi ng bibig.

Pabagu-bagong klima at stress, sanhi ng singaw - Ano ang Sabi ni Doc?

Ano ang sanhi ng singaw?

Ang singaw ay maa­aring sanhi ng pagkaka­gat ng sariling dila o labi o anumang iritasyon sa bibig tulad ng pagkatu­sok ng pagkain tulad ng buto ng isda, pagkapaso mula sa mainit na inu­min o pagkain o masya­dong marahas na pagse­sepilyo. Gayundin, maaari rin itong dahilan ng mga impeksiyon tulad ng Herpes Simplex Virus o gamot tulad ng aspirin.

Maaari ring magdu­lot ng singaw ang ibang sakit o kapaguran o stress sa trabaho. Ayon sa mga obserbasyon ng mga matatanda, ang pagbabago sa klima o temperatura ay naiu­ugnay din sa singaw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page