Tricycle driver tiklo sa P1 milyong shabu

NASAMSAM ng Philippine Drug Enforcement Agency-NCR at Manila Police District-Station 3 mula sa isang 20-anyos na tricycle driver ang P1 milyong halaga ng shabu, kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Manila.
Kinilala ang suspek na si Saiben Alamada alyas Saiben, 20, residente ng Bgy. 384. Nakasilid sa dalawang supot ng transparent ang shabu na may katumbas na P1,360,000.
Alas-2:30 ng hapon nang maaresto sa panulukan ng Quezon Boulevard at Escaldo St., sa Quiapo ang suspek.
Bukod sa iligal na droga, narekober pa mula sa suspek ang kanyang cellphone at bogus money at isang authentic P1,000 bill na ginamit sa buy-bust operation.





Comments