top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sinturon, uniform, iba pang gamit | P16 BILYON GASTOS SA ROTC

Jeff Tumbado
Aug 26, 2019
1 min read

MANGANGAILANGAN ng P16 bilyon pondo ang gobyerno para mapondohan ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga senior high school.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles, may apat na milyong Grades 11 at 12 na mag-aaral sa senior high school na maaapektuhan ng mandatory ROTC.

Kailangan umano ng mga estudyante ng maayos na sinturon, uniporme at iba pang kagamitan para sa nasabing training.

Kaugnay nito, tinatayang nagkakahalagang P4,000 ang bawat uniporme para sa isang estudyante.

Matatandaang, si Nograles ang nagpanukala sa Kamara na gawing mandatory ang ROTC para sa mga senior high student sa pampubliko at pribadong paaralan. Aniya, ang ROTC ay paghahanda para sa depensa ng bansa. Kulang umano ang nasa 70,000 reserves at 120,000 sundalo para depensahan ang Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page