top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

SABLAYA, 1ST RANK PARA SA BIKE DREAM CUP

  • MC / Alvin Olivar
  • Aug 26, 2019
  • 1 min read

KATATAPOS lamang ng malakas na ulan pero hindi napigilan ang arangkada ng Round 4 Honda Pilipinas Dream Cup 2019 sa Clark International Speedway noong Agosto 3-4.

Sa qualifying round, gamit ng riders ang CBR 150R kung saan si Marco Ventinilla ang nalagay sa 3rd place habang si Travhys Paralejas ang 4th mula sa pagitan ng layo nilang .0542 segundo.

Sumegunda puwesto si Chino Hung habang nahabol ni Jakob Sablaya ang Pole Position.

Dinomina agad ang karera ng front row riders. Arangkada sa unahan si Paralejas na hinahabol nina Hung at Sablaya.

Pagdating sa race 2 nakipagpukpukan ng harurot si Ventinilla kay Kokoy Mangibin para sa 3rd spot na may pagitan na 0.05 segundo habang si Hung ay humahabol kay Sablaya sa buong 6 lap round at nagawa pa niyang lampasan si Jakob.

Pero kinapos ang gap niya para sa 2nd place finish sa likod ni Jakob na may 0.039 segundo na layo nila. Si Sablaya ang nanatiling no. 1 contender ng Honda Pilipinas Dream Cup 2019 matapos ang impresibong harurot na ipinamalas ng riders kahit na basa pa ang race track at binigyan ng excitement ang lahat ng manonood.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page