top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pulis na pumatay ng aso dahil sa mahjong, turuan ng leksiyon!

  • Ryan B. Sison
  • Aug 26, 2019
  • 1 min read

PATAY ang isang aso matapos pagsasaksakin ng pulis nang matalo sa mah-jong, gayundin nang mairita sa kapitbahay.

Ayon sa may-ari ng aso, hindi na umabot nang buhay si “Gabriela” sa veterinary clinic at hindi natin ito basta ipagsasawalambahala.

Gayunman, ang pulis ay miyembro ng Police Security Protection Group (PSPG) at ayon sa Animal Rescue Rehabilitation and Fostering (ARRF), sa ginawang ito ng pulis, nararapat siyang makondena, lalo na at hindi niya nagampanan ang kanyang trabaho bilang tagaprotekta ng batas.

Sa totoo lang, nakapanlulumo ang ginawang ito ng pulis dahil hindi lamang pambabastos sa karapatan ng dog owner ang kanyang ginawa kundi buhay ang kanyang kinuha sa kaawa-awang aso.

Samantala, nararapat lang na sampahan ng kaukulang kaso ang suspek at tandaan, hindi sapat na dahilan ang galit para pumatay ng kahit sino.

Dagdag pa rito, kahit kailan ay hindi natin kukunsintihin at susuportahan ang mga ganitong klase ng pulis na imbes na maging magandang ehemplo sa mamamayan, sila pa ang pasaway!

Kaya ang panawagan natin sa mga kinauukulan, bigyan ng leksiyon ang mga sigang pulis at sibakin na rin kung kinakailangan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page