top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pulis at sundalo sa mga iskul, lalo lang magtutulak na magrebelde ang mga mag-aaral

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2019
  • 1 min read

NAKU, ha? Hindi naman yata ubra ‘yung merong mga umaali-aligid sa mga kolehiyo at unibersidad na mga pulis at sundalo para bantayan ang ating mga bagets na nag-aaral.

May tsika na para raw mapigilan ‘yung mga bagets na mag-join sa mga militanteng grupo ay dapat daw pagbantayin ang mga pulis at sundalo sa loob ng mga eskuwelahan.

Naku po, eh, di lalo lamang nagmaktol ang mga bagets at grupong kaliwa sa ganitong hakbangin?

Lalo lang lalakas ang “recruitment” ng mga grupong maka-kaliwa kung itutuloy ng pamahalaan ang plano nitong pabantayan sa mga pulis at militar ang mga aktibidad ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan.

Para lang nating itinutulak ang mga mag-aaral na lalong sumali sa mga “progressive organizations” kapag pinapasok ang mga pulis at sundalo sa universities at colleges. Imbes na bigyan natin ito ng solusyon, aba, feeling ko, lalo lang itong lalala. Keri ba ‘yun?

Dapat ang paaralan ay manatiling simbolo ng karunungan. Hayaan natin ang kabataan na bumuo ng kanilang organisasyon bilang alternatibo sa inilalakong ideya ng mga grupong maka-kaliwa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page