Mura na, epektib pa! BAWANG AT LUYA, GAMOT SA UTI
- BULGAR
- Aug 26, 2019
- 1 min read

MAHIRAP naman talagang magkaroon ng sakit, lalo na sa panahon ngayong ang mahal magkasakit dahil sa pagpapaospital at sobrang taas ng presyo ng mga gamot.
Pero good thing dahil maraming organic ang keri ring gawing home remedy kung saan knows ba ninyo na ang bawang ay epektib na panlaban sa UTI? Wow!
Ang Urinary Track Infection o UTI ay isa sa pinaka-common infectious disease sa iba’t ibang bansa na walang pinipiling edad at kasarian.
Ayon sa Pertanika Journal of Tropical Agricultural Science, umaabot sa 150 million katao ang nada-diagnosed na mayroon nito, taun-taon.
Pero, don’t worry, mga lodi, dahil ayon sa University Putra Malaysia (UPM), ang katas ng bawang ay epektibong panlaban sa iba’t ibang uri ng fungi, protozoa, viruses at bacteria kabilang na ang bacteria na nakapagdudulot ng UTI.
Sa pananaliksik ng Birla Institute of Technology and Sciences sa India, napag-alamang 82% ng antibiotic-resistant bacteria ang matatagpuan sa urine test ng mga pasyenteng may UTI kaya may posibilidad na hindi kaagad ito magamot ng ilang antibiotics at may tsansa na magpabalik-balik ang impeksiyong ito.
Pero, hindi na ngayon dahil ang mga bakteryang ito ay kayang-kayang labanan ng garlic extract!
Sey ng registered dietician ng New York City na si Rachael Link, ang pag-inom ng tubig ng pinakuluang dinikdik na bawang at luya ay makabubuti sa katawan. Kung hindi naman natin keri ang lasa, aniya, oks lang na haluan ito ng honey.
‘Yun naman pala, eh. He-he-he!
Oh, ‘di ba, hindi ka na iinom ng kung anu-anong antibiotic na may posibilidad na makasira ng kidney, hindi pa masakit sa bulsa? Be healthy always, mga lodi!
Comments