top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Morena beauty daw ang gusto… GABBY, HINDI TYPE SI KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 26, 2019
2 min read

MARAMING followers ni Kris Aquino ang nagpaabot sa amin ng kanilang sentiment tungkol sa pagtatambal ng kanilang lodi kay Gabby Concepcion.

Obviously, afraid sila na baka pumor­ma ang erpat ni KC Concepcion sa ermat nina Josh at Bimby.

“Si Kris pa naman…dahil loveless ay baka madala sa boladas ng mga mhin na type siyang dagitin.

Kabisado ko ang track record ni Gabo. Gamitero numero uno siya. After Sharon Cuneta, agad-agad ay may Grace Ibuna. Tapos ay si Jenny Syquia. Tumino lang yata nang makilala ‘yung wife niyang American citizen,” sabi ni Mareng Tessie Aclera ng Caloocan City.

“Ay, naku! We believe in giving second chances sa isang nagkamali. Hehehe! In Gabo’s case, naka-apat na siyang nakapi­ling at nakasiping. Bahala si Tetay kung muling mapatibok ng tisoy na one of the orig Regal Babies ang kanyang namama­hingang puso,” pahayag ni Candy na may pagawaan ng leche flan at relyenong bangus sa San Miguel, Bulacan.

“May asawa pa si Gabby. ‘Di na ba nadala si Kris sa kaganapan ng relasyon niya kay Phillip Salvador noon? Nangako si Phillip na idi-divorce ang wife based in the USA. O, natupad ba ‘yung OPM? Waley!” sey naman ni Zenaida Angeles ng Malabon City.

“Hindi naman type ni Gabby ang maputi. Medyo morena sina Shawie, Grace, Jenny at ‘yung laking-Tate na Jen din ang name na nakita ko nang kumanta si Gabby sa Pagcor-Ronquillo,” from Undang Nina na taga-Poblacion, San Ildefonso, Bulacan na certified KBCA handkisser.

Hindi na namin iisa-isahin pa ang hinaing ng mga concerned tagahanga ni Kristina Bernadette na suki ng Bulgar at katsika namin sa phone.

Sa amin lang, bukod sa pagbabalik-pelikula, mas maraming bagay ang dapat harapin kesa sa love life ng bunsong sister­ette ni former Pres. Noynoy Aquino. She is undergoing treatment sa kanyang sakit, kung anuman talaga ‘yun. Josh and Bimby need her the most. May business concerns din siyang dapat harapin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page