Kahit bago pa lang, Winwyn… MARK AT NICOLE, KUMALAT NA IKAKASAL NA!

Nitz Miralles / BIDA

Photo : @herrasmarkangeloofficial
NAPA-GOOGLE kami to check kung ilang taon na si Mark Herras at kung ilang taon ang girlfriend nitong si Nicole Donesa dahil sa comment ng huli na pabirong tinawag na “lolo” ang aktor.
May nag-comment kasi na kinikilig siya kina Mark at Nicole at sumagot ang aktres ng “Mismo lolo tops” na sinagot ni Mark ng “Lolo ka d’yan.”
Sabi ng Google, 31 years old si Mark at 25 years old naman si Nicole. Six years lang ang age gap nila.
Inakala ring engaged na sina Mark at Nicole dahil sa post ng aktor na may “Mr. & Mrs.” sa location kung saan sila nagpa-picture. Sabi ni Mark, hindi pa sila engaged at set lang sa taping (hindi sinabi kung anong show) ang Mr. & Mrs.
Nakakatuwa na maraming masaya para kay Mark na nakakita siya ng bagong pag-ibig after ng breakup nila ni Winwyn Marquez. Nakikita na uli siyang ngumingiti at ganadong magtrabaho. Sayang at hindi sila magkasama ni Nicole sa Descendants of the Sun dahil ang aktres lang ang nasa cast.
Ise-segue natin kay Winwyn ang balita kina Mark at Nicole dahil may nag-comment na naman sa Instagram (IG) ng aktres na inakusahan siyang kaya blooming ay dahil nagpapapansin sa ex-BF at baka raw ahasin nito si Nicole.
“Ay, push pa natin if blooming, haha, and ahasin? Ano ‘yun? If they are happy, then let them be. And if wala kang magawa, stop commenting on my feed.”





Comments