Gustong makipaghiwalay | MISIS BINARIL, MISTER NAGBARIL SA ULO, PATAY
- Levi Gonzales
- Aug 26, 2019
- 1 min read

KAPWA dead-on-arrival sa ospital ang mag-live-in partner na kapwa security guard matapos barilin at magbaril sa Bgy. Timbao, Biñan City, Laguna.
Alas-7:30 ng gabi, habang nasa duty si Jeralyn Lanan nang sunduin ng suspek na si Logie Palmera, Sr.
Nagtalo umano ang dalawa kaugnay sa pakikipaghiwalay ng biktima sa kanya na nauwi sa pagtatalo.
Kinuha ng suspek ang kanyang cal. .9mm saka pinagbabaril ang live-in partner bago ito nagbaril sa ulo.
Agad silang naisugod sa pagamutan subalit, binawian din ng buhay.





Comments