Awww! 'Wag na kasing mag-ilusyon na may seseryoso sa gay TV host… VICE, PINASIKAT NA SI ION AT B
- BULGAR

- Aug 26, 2019
- 1 min read

ISANG malaking sampal para kay Vice Ganda ang naging pahayag ng nali-link sa kanyang si Kuya Escort Ion Perez na hindi raw siya BF ng Unkabogable Star at special friend lang ang turing niya sa host ng It’s Showtime.
Pagkatapos ng kanilang mga drama at sweetness na natutukan ng lahat sa It’s Showtime, heto at may bagong statement si Ion na idini-deny na nagkaroon sila ng relasyon ni Vice Ganda.
Eh, maugong nga ang balitang sa bahay na ni Vice nakatira itong si Kuya Escort at sagana sa mga mamahaling regalo ng komedyante. In fact, live-in na nga raw ang set-up nilang dalawa at saksi ang malalapit na kaibigan ni Vice kung gaano pinaliligaya ni Ion Perez ang host-comedian.
Nagtataka ang lahat kung bakit biglang kumambiyo at idinenay ni Ion si Vice Ganda na naging tulay niya upang umentra sa showbiz at magkaroon ng career. Ikinahihiya na ba niya ang ma-link ngayon kay Vice Ganda o may nagsusulsol lang na hindi makakaganda sa kanyang career ang madikit sa isang gay na tulad ng Unkabogable Star?
Well, dapat nang tanggapin ni Vice Ganda ang katotohanan na sa panahon ngayon, bihirang-bihira ang lalaki na papayag na makipagrelasyon nang matagalan sa isang gay. Kaya ‘wag nang ilusyunin ni Vice Ganda na may lalaking magseseryoso sa kanya!





Comments