64 yrs. old na pamangkin matapos barilin sa ulo | 72-ANYOS NAGBARIL SA SENTIDO, TODAS

BINARIL muna sa ulo ang kanyang 64-anyos na pamangkin bago nagbaril sa kanyang sentido ang 72 yrs. old na lalaki dahil sa matagal nang alitan, kahapon ng umaga sa Pandacan, Manila.
Dead-on-spot ang biktimang si Eduardo Magalona, taxi driver, sanhi ng tama ng bala sa ulo mula sa .38 kalibre ng baril.
Kasunod ng pagbaril sa pamangkin, nagbaril naman sa sentido ang suspek na si Arnulfo Gaton, 72, OFW, residente rin sa nabanggit na lugar at tiyuhin ng biktima.
Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Station 10, alas-8:40 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harap ng bahay ng magtiyuhin.
Bago ang insidente, nagdidilig ng kanyang halaman ang biktima nang barilin sa ulo nang malapitan ng suspek at pagkatapos ay nagbaril din ito sa sarili.
Sa impormasyong nakalap, may matagal nang alitan ang magtiyuhin na siyang tinitingnang motibo ng pagpaslang sa biktima.
Kapwa dinala ang bangkay ng magtiyuhin sa Cruz Funeral para sa awtopsiya.





Comments