top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 KARERA, SASABOG

Ding Taboy
Aug 26, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

KAABANG-ABANG ang karera sa pagpasok pa lang ng Setyembre sapagkat dalawang malalaking pakarera ang magaganap sa Santa Ana Saddle & Clubs Leisure Park, Naic, Cavite at San Lazaro Leisure Park, Carmona Cavite. Bibitawan ang 2019 Philracom 4-Year Old & Above Open Stakes Race sa SLLP, Carmona at 2019 Philracom Sampaguita Stakes Race sa SASCLP sa Naic.

Unang magaganap ang pakarera sa Setyembre 8 4-YO & Above Open na paglalabanan ng imported at local horses sa SLLP. May papremyong P.5-M na hahatiin ng apat na unang makatatawid sa finish line.

Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Hitting Spree, Gomper Girl at couple entry nitong Truly Ponti, Manalig Ka, Messi, Pangalusian Island, Sooner Time at Victorious Colt. Tatanggap ang kampeon ng P300,000.00 habang mapupunta ang P112,500 sa 2nd place, may P62,500 ang 3rd place at P25,000 ang 4th place.

Samantala, bibitiwan ang Sampaguita Stakes Race sa pangalawang Linggo ng

Setyembre 15. Maglalaban ang mga babaeng kabayo sa Philippine Racing Commission (Philracom).

May P2-M ang premyo at ang para sa kampeon ay P1.2-M habang may P450,000 ang 2nd place at mag-uuwi ng P250,000 ang 3rd place habang mapupunta ang P100,000 sa 4th place.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page