Takot na takot para sa anak… HIRIT NI REGINE: GOBYERNO, TUTUKAN NA ANG DENGUE!
- Vinia Vivar
- Aug 25, 2019
- 2 min read

ISANG linggo matapos ang biglaang pagpanaw ng ABS-CBN child star na si Sophia Carullo dahil sa dengue, nagpahayag na rin ng kanyang takot at pangamba ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa nasabing nakamamatay na virus na sanhi ng kagat ng lamok.
Sa kanyang recent Instagram post, ibinahagi ni Regine na 7 years na siyang nakikipaglaban para huwag makagat ng lamok ang kanyang 8-year-old son na si Nate.
“For the past 7 years, insect repellent (citronella, lemon, and eucalyptus oils), spray patch, lotion at kung anu-ano pa ang feeling ko kakampi ko to protect my son. And I’m sure, ganu’n din ang feeling ng ibang nanay.
“Tuwing aalis si Nate papunta ng school, I swear amoy-gaas s’ya but just the same, minsan may nakakalusot na kagat pa rin!!!! The thing is I’m not really even sure if this is good for his health (I’m almost sure it’s not) but this is the only way I feel I can protect him from dengue. 146,000 dengue cases reported here in our county and 622 deaths (I’m sure tumaas pa ito this year). Nakakatakot na ito!!!!” ang bahagi ng post ni Regine.
Kung anu-ano na nga raw ang ginagawa niya para mawala ang mga lamok, pero meron pa rin.
“Dati tuwing tag-ulan lang, pero ngayon, maski summer meron. And every year, tumataas ang bilang na ‘yan. Fumigation, insecticide, linisin ang paligid, lahat na ginagawa para lang mawala ang mga lamok!!!! Pero meron pa rin!!!!!” aniya.
Sa huli ay nanawagan si Songbird sa gobyerno at sa mga scientists na sana’y makaisip ng paraan para mawala ang mga lamok.
“Alam kong marami nang problema ang gobyerno na kailangan nilang pagtuunan ng pansin, pero wala na ba talaga tayong ibang magagawa para mabigyang-solusyon itong mga lamok na ‘to?????





Comments