top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Susuwertehin abroad kung yellow, pink o red ang isusuot na damit

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2019
2 min read

KATANUNGAN

1. May in-apply-an akong trabaho ngayon. Ano ba ang kulay ng damit na dapat kong suotin para suwertehin at matanggap kaagad ako? September 28, 1991 ang birthday ko.

2. Balak ko ring mag-abroad. Kaya sana, pakianalisa na rin kung may Travel Line sa aking mga palad at kung ano ang mangyayari sa aking career sa future at kung okay na ba ang signature ko? KASAGUTAN

1. Maganda at okay na itong signature mo kung saan simpleng letrang “s” at “m” lang ang nasa unahang bahagi habang tinapos mo ang iyong lagda sa straight line o tuwid na guhit. Ibig sabihin, ituloy mo lang na gamitin ang nasabing pirma at makikita mo, susuwertehin ka na higit lalo sa last quarter ngayong 2019 at magtutuluy-tuloy pa ang nasabing magandang kapalaran hanggang sa bumungad ang taong 2020.

2. Ang kulang na lang talaga sa iyo kaya ayaw pang ngumiti nang husto sa karanasan mo ang mabuting kapalaran ay ang paggamit at pagsusuot ng kulay pula at puwede rin ang pink at dilaw na siyang mapalad mong mga kulay.

3. Oo, isa sa mga mapalad mong kulay ang dilaw o yellow dahil ang birth date mong 28 ay may sumatutal na 1, (2+8=10. 1+0=1). Habang ang zodiac sign mong Libra at destiny number mong 3 (9+28+1991=2028/ 20+28=48/ 4+8=12/ 1+2=3) ay nagsasabing, mapalad ka rin sa mga kulay pink at red. Ibig sabihin, kapag palagi kang gagamit at magsusuot ng kulay dilaw, pink at red tulad ng paulit-ulit na nasabi na, mas mabilis kang susuwertehin at magtatamo ng magaganda at okay sa alright na kapalaran.

4. Samantala, pansining tila good-looking Simian Line (Drawing B. S-S arrow a.) ang kanan mong palad habang straight na papalawak ang Head Line (Drawing A. H-H arrow b.) sa kaliwa mong palad. Ibig sabihin, sa pagpupumilit at lakas ng loob, mas madali mong mapipitas ang tagumpay. Ang mahalaga, anumang kabiguan ang dumating sa iyo, hindi ka dapat sumuko, magpatuloy ka nang magpatuloy upang sa bandang huli, dahil sa pangungulit mo sa tadhana, bibigyan ka rin ng langit ng maganda at bonggang-bonggang kapalaran.

5. Samantala, halos may namataang Travel Line (Drawing A. t-t arrow c.) sa kaliwa mong palad, pero parang wala naman guhit ng paglalakbay sa kanan mong palad. Ibig sabihin, kailangang pagsikapan mo talaga ang pag-a-apply abroad upang magkaroon ng positibong bunga ang iyong mga pagsisipag dahil kung hindi mo ipipilit nang husto ang gusto mong mangyari sa iyong buhay, sa halip, maghihintay ka lang ng tamang pagkakataon tulad ng nasabi na, malabong mapasaiyo ang magagandang kapalaran. Kaya tandaan mo rin ang kasabihang ipinamana sa akin ni Kuya Manoling, “sa taong buo ang loob, ang yaman at ligaya ay lubos!”

DAPAT GAWIN Ayon sa iyong mga datos, Ms. S.M., wala kang dapat gawin ngayon kundi mag-apply kahit saang kumpanya mo maibigan dahil ngayong 2019, sa edad mong 28 pataas, tuluyan nang ngingiti sa iyong buhay ang magandang kapalaran, matatanggap ka na sa ina-apply-an mong trabaho at pagkatapos, sa susunod na taong 2020 sa ganitong panahon din na malapit nang sumapit ang ‘ber months’ makapangingibang-bansa ka na rin hanggang sa tuluy-tuloy na ring umunlad ang iyong career.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page