Rollback sa gas
- Gina Plenago
- Aug 25, 2019
- 1 min read

INAASAHANG magpapatupad ng oil price rollback sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 20 hanggang 25 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang 10-15 sentimos naman sa diesel.
Ang napipintong bawas-presyo sa petrolyo ay kaugnay sa pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Malimit ang implementasyon ng oil price adjustment ng mga kumpanya tuwing araw ng Martes.





Comments