top of page
Pokwang.jpg

Pabalik-balik ang lagnat, negative sa 2 blood tests | 4 YRS. OLD PATAY SA DENGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa pagamutan sa Naga City, Camarines Sur ang apat na taong gulang na batang babae dahil sa dengue.

Kinilala ang nasawi na si Princess Emerald Mendoza, nag-iisang anak ng kanyang inang dalawang buwan pa lang nagtatrabaho sa Hong Kong.

Sa panayam sa lolo, Linggo, Agosto 18 nang lagnatin ang apo. Dinala umano ang bata sa ospital sa Tagkawayan dahil hindi bumababa ang lagnat nito.

Ipinasuri ang dugo ng bata at negatibo umano sa dengue dahil normal ang platelet nito. Para makatiyak, muli nilang ipinasuri ang dugo ng bata kinahapunan at negatibo pa rin ito sa dengue.

Wala umanong ibang idinadaing ang bata kundi pananakit ng tiyan.

Noong mga sumunod na araw ay pabalik-balik ang lagnat ng bata at bahagya umanong bumababa ang platelet nito hanggang sa sumuka na ng dugo.

Nitong Biyernes ng umaga ay nagpasya na ang doktor na ilipat ang bata sa mas malaking pagamutan.

Ilang ulit umanong sumuka ng dugo ang bata habang nasa biyahe sakay ng ambulansiya papuntang Naga City. Kinalaunan ay nawalan na ng pulso ang bata at namatay.

Kaugnay nito, acute dengue na raw ang sinapit ng bata ayon sa doktor na sumuri sa kanya. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page