Kesa ma-sad, todo-enjoy sa Bora… KRIS, NAWALAN NG P2 MILYON SA MOVIE NILA NI GABBY
- BULGAR

- Aug 25, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Nag-i-enjoy sa Boracay si Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby at sa mga nakikita naming photos, para lang silang magkakabarkada.
‘Katuwa ang kuwento ni Kris na sinita siya ni Bimby dahil see-through ang suot niyang cover-up ng swimsuit. Sinabihan daw niya si Bimby ng “There’s nothing to see, honey. STRICT ang bunso.”
Pinansin din ng mga netizens ang height ni Bimby na at 12 years old, almost six footer na at malapit nang maabutan ang height ni Josh na 6’4". Ang ganda ng sagot ni Kris sa nag-comment na blessed siya sa dalawa niyang anak.
“Mas na-BLESS ako to have them,” sagot ni Kris.
Natutuwa ang mga fans ni Kris na makitang she’s enjoying her stay sa Boracay na parang hindi dumaan sa problema dahil hindi nga natanggap ang pelikulang (K)Ampon na entry sana sa 2019 MMFF.
Hindi pa natatanong si Kris, pero may nagsabing P2M ang nawala sa kanya. Initial expenses pa lang ‘yun dahil nakapag-first shooting day si Gabby Concepcion.





Comments