top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Iniwan ng GF | KELOT NAGBIGTI, PATAY

  • Maeng Santos
  • Aug 25, 2019
  • 1 min read

DEDO ang isang binata matapos magbigti nang hiwalayan umano ng kanyang nobya sa Navotas City, kahapon.

Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-5:30 ng madaling-araw nang matuklasan ng kanyang tiyahin na si Mary Liza ang nakabigting katawan ni ‘Renante’, 25, sa silid.

Humingi ng tulong ang tiyahin sa kanyang live-in partner para putulin ang nylon cord na nakapulupot sa leeg ng binata subalit, wala ng buhay ang biktima.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Philipin Edgar Varela at P/Cpl. Filbert Madio, ilang araw nang naglalasing at hindi nakikipag-usap sa mga kaanak at kaibigan ang biktima.

Maaari umanong dinamdam nito ang paghihiwalay nila ng kanyang nobya.

Gayunman, hihintayin pa ang resulta ng autopsy na magdedetermina sa sanhi ng kanyang pagkamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page