top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Agosto 25, 2019 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Aug 25, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 25, 2019 (Linggo): Pinaga­ganda ng langit ang iyong buhay kahit na nakaga­gawa ka ng wala sa lugar. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalapit sa iyo ang maga­gan­da, letra-por-letra na magaganda. Ang totoo, kahit ang ma­gagandang kapalaran na nasa iyong tabi ay gus­tung-gusto ka ng yakapin nang mahigpit. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lot­to-3-19-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Nag­balik ang araw na ikaw ay mapalad. Mas liligaya ka kapag ibina­hagi mo sa iyong kapwa ang ilan sa mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-12-17-24-26-43-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Mag-aaksaya ka, pero ang ka­palit, sobra kang sasaya! Mauunawa­an mo na tama ang kasa­bihang, wala sa materyal na bagay ang tu­nay na ka­ligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-30-31.

CANCER (June 21- July 22) - Maghintay ka nang masaya. Ibig sabihin, huwag kang tumulad sa iba na naghihintay na umi­nit ang ulo at inip na inip. Muli, maghintay ka nang masaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-28-30-33-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ini­iwasan ang wa­lang pera, nila­layuan ang na­kakaawa at binabalewala ang mahirap ang buhay. Sad­yang malupit ang mundo dahil dito, pagagandahin ng langit ang buhay mo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-27-30-37-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umagwat ka sa alam mong pangit ang ka­palaran. Mahirap paniwalaan na rito sa mundo, hindi lang mga sakit ang nakahaha­wa, nakahahawa rin ang pangit na kapalaran. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-13-19-21-28-32-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo ang gusto mong ga­win. Hayaan mong gawin ng mga ka­ribal mo ang gusto nilang gawin. Ang gusto mo ay mangyayari. Ang gusto nila ay mauuwi sa masak­lap na kabiguan. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-22-27-35-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-ibig ang magpa­pa­sigla sa buhay mo. Rito sa mundo, hindi importante kung buhay ang tao dahil ang buhay na walang pag-ibig ay buhay na walang saysay. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-20-21-27-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Inspiras­yon ang mag­tu­tulak sa iyo sa mas mataas na kala­ga­yan. Dapat mong malaman na ito ay nagpapaganda ng buhay at ang tukso ay nagpapaatras ng kabu­ha­yan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-15-21-25-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinatatag ng langit ang iyong buhay sa pamamagitan ng mga pagsubok na iyong kina­ha­harap. Kailangan ma­ging matatag ka nang sa gayun ay hindi masayang ang malalaking suwerte mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-25-31-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Rito sa mundo, may patay na mu­ling nabubuhay. Hindi ka makapaniniwala na ang namatay mong pag-ibig ay muling mabubuhay. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran ngayon. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-17-21-25-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasaya ka! Sa una, hindi mo alam kung ba­kit masaya ka, pero mala­laman mong magbabalik pala ang dating nagpasaya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-25-30-34-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page