BATANG PINOY, LALARGA

SIMULA na ang bakbakan ng kabuuang 6,000 atleta buhat sa 234 Local Government Units (LGUs) upang lumahok sa Opening Ceremony ng 2019 Batang Pinoy National Finals na gaganapin sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Puerto Princesa ngayong 3 p.m.
Mismong si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez, kasama ang apat na Commissioners na sina Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin ang magpapasinaya sa 7-day competition.
Dadalo rin bilang panauhing pandangal para sa opening ceremony si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na magbibigay ng mensahe para sa mga kabataang atleta. Inimbitahan din si Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher “Bong” Go, bagama’t ito ay wala pang kasiguruhan.
Magtatagisan ng galing ang mga atletang nagwagi noong unang leg na gaya sa Luzon leg na ginanap sa Ilagan, Isabela, ang Visayas leg na ginanap sa Iloilo City at ang Mindanao leg sa Tagum City Davao del Norte upang ibandera ang LGUs.





Comments