WANTED NA ARSONIST, TIKLO
Pabs Hernandez III
Aug 24, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Naaresto ng pulisya ang wanted na arsonist kamakalawa sa Bgy. Casulucan, Sto. Domingo.
Nakilala ang suspek na si Alfredo Fabie, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Fabie sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinahaharap nitong kasong arson sa Isabela.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Fabie nang dakpin ito sa nasabing lugar.





Comments