Talo pa raw siya ng ex na may bago nang papa… CARMI, UMAMING NILIGAWAN NG BAKLA, NAGING BF PA 'Y


IBINULGAR ng sexy-comedy actress na si Carmi Martin na nagkaroon siya ng boyfriend na naging member na rin ng LGBTQ+ community ngayon.
Naikuwento ni Carmi ang kanyang karanasang ito sa media launch ng pelikulang The Panti Sisters na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.
“Ay, naku, maganda ang kuwento ko d’yan,” panimula ni Carmi.
“Nagka-boyfriend ako, at ngayon, friends kami… at may boyfriend na siya.”
Natanong si Carmi tungkol sa gay relationship dahil she plays the role of Nora na ina ng magkakapatid na baklang sina Paolo (Gabriel), Christian (Samuel) at Martin (Daniel) sa The Panti Sisters directed by award-winning director, Jun Lana.
Kuwento pa ni Carmi, “Nag-a-out of town pa kami na magkakasama. So, parang ang naging joke nga, naging bading siya dahil hindi na raw kami. So, ‘yun. Pero siyempre, nu’ng kami pa, hindi ko naaamoy na… uh. Hahaha!”
Umabot din daw nang walong buwan ang kanilang relasyon.
“But, ang kagandahan, talagang girl na girl. Ako nga, walang boyfriend, siya, meron. Ngayon, ang tawag na namin, siya si Tatay, ako si Nanay, at ‘yung boyfriend niya, anak.”
Never daw niyang nadiskubre o naamoy man lang na gay ang kanyang ex-boyfriend during their time. Nabuking na lang niya nu’ng naghiwalay na sila.
“Uh, few years after, lumabas na siya,” saad pa niya.
Bukod sa ex-boyfriend niya, nagkaroon din siya ng isang manliligaw na bading nu’ng nakatira pa siya sa Sta. Ana. Hindi raw naging sila dahil binasted na niya ‘yung guy.
“Nu’ng may Santacruzan, nakita ko, nandoon na. At siya na ‘yung… ‘Di ba, may mga Santacruzan na gay? Sabi ko, ‘Bakit si ano ‘to?’ Nakapang-mujer na. Kaya nagkaroon talaga ako ng experience… ces. O, ‘di ba? Plural ‘yan! Na talagang may nanligaw sa akin at ‘yung isa, naging boyfriend ko pa.”
Natanong din si Carmi sa The Panti Sisters kung tanggap ba niya na magkaroon ng karelasyon na gay gaya ng komedyanteng si Ogie Diaz na may partner na babae at may mga anak.
“Alam mo kasi, hindi ako, I’m a Christian, pero hindi ako mapanghusga. Parang minsan nga, sinasabi ko, ‘Siguro, ang saya noon.’ ‘Yung pareho lang kayong bakla sa bahay,” nakikiliting tawa ni Carmi.
Dugtong pa niya, “‘Yung ganu’n, tapos may anak. Kaya lang, ‘yung nangyari kasi talaga is that, ngayon, ang chinoose ko talaga is not to get married and to stay single. Pero, for me, ‘yun, enjoy lang ako na kausap ‘yung mujer, ‘yung naging mujer na aking ex, na super friend, friend ko ngayon.”
Kasama rin sa The Panti Sisters sina John Arcilla, Rosanna Roces, Roxanne Barcelo, Via Antonio, Ali Forbes at Joross Gamboa.
Ang The Panti Sisters ay ipinrodyus ng IdeaFirst Company nina Direk Jun at direktor din na si Perci Intalan. Co-producer din nila sa movie ang Blacksheep at Quantum Films.





Comments