top of page

Panaginip na dumi ng tao, magkakaroon ng maraming pera

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Riza ng Riza_ Cuenca@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako na may balde kami na halos puno ng dumi ng tao. Nagtaka ako bigla nang naging ulam ‘yung dumi, ginataang hipon at isda pa nga, pero hindi pa luto at inihain na ng kasama ko sa bahay. Lumalangoy pa ‘yung isda at hipon, gayundin, parang kasama namin ‘yung yumao kong asawa. Wala pang isang taon nang siya ay mamatay. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Naghihintay, Riza

Sa iyo Riza, Noon pa man, madalas nating banggitin na ang dumi ng tao ay simbolo ng kayamanan. Hindi na natin uulit-ulitin na ang dumi ng tao at ang lantay o wagas na gold ay magkalarawan.

Kumbaga, ang ginto at ang dumi ng tao ay parehung-pareho ng hitsura at porma. Ang dumi na biglang naging isda ay nagsasabing, ang suwerte ay magmumula sa malinis na paraan habang ang dumi na naging hipon ay magmumula sa hindi tamang paraan.

Dahil dito, dalawa ang paraan na nasa isip mo para gumanda ang iyong buhay. Ang una ay ang tamang paraan at ang isa ay ang lisyang paraan. Ito rin ang dalawang paraan na nasa iyong harapan kung paano ka liligaya.

Ang asawa mo sa iyong panaginip ay nagsasabing, dahil wala pang isang taon nang siya ay mamatay, hindi mo pa dapat bigyang-pansin ang isa sa mga nasabing paraan at ito ay ang lisyang paraan.

Paano kung lumagpas na ang babang-luksa ng kanyang kamatayan?

Ayon sa iyong panaginip, maaari kang makagawa ng mali, pero huwag kang mag-alala dahil sa buhay ng tao, hindi maiiwasang magkamali.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page