top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Pagtatanim ng citronella laban sa dengue, hindi sapat!

  • Ryan B. Sison
  • Aug 24, 2019
  • 1 min read

MARAMI na ang binawian ng buhay dahil lamang sa kagat ng lamok na resulta ng dengue na nakamamatay kung saan kaliwa’t kanan na rin ang pag-iisip natin ng paraan kung paano ito maaagapan o masosolusyunan man lang.

Gayunman, kilala ang citronella na halamang nakapagtataboy ng lamok, kaya marami ang tumatangkilik dito sa pamamagitan ng pagbili o paggawa ng citronella mosquito spray.

Gayundin, bilang solusyon sa talamak na dengue, namigay ang kinauukulan ng halaman ng citronella na puwedeng itanim sa kani-kanyang bakuran.

Pero, ayon sa ilang grupo ng mga doktor, bagama’t, subok na ang citronella mosquito spray, hindi pa umano napatutunayan ang bisa nito kapag ang halaman ay itinanim lang at paliwanag pa ng grupo, kailangan pang iproseso ang nasabing halaman bago maging epektibong pantaboy ng lamok.

Dagdag pa rito, ang tawa-tawa na nakapagpapalakas naman ng resistensiya sa mga pasyenteng biktima ng dengue ay sinasabing subok at epektibo talaga kaya ito ay patuloy na inirerekomenda.

Samantala, kung tutuusin, suwerte pa rin tayo dahil hindi hinahayaan ng gobyerno na balewalain na lang ang ganitong mga isyu, lalo na kung usaping pangkalusugan, pero importante rin na pinag-iisipang mabuti ang mga paraan bago ito tuluyang aprubahan.

Kaya, bilang mamamayan, maging malinis tayo sa ating kapaligiran para wala nang bawian ng buhay dahil sa bangis ng dengue.

Tandaan, sa pagtutulungan, lahat ng sakuna at problema ay ating malalagpasan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page