top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Mayor na convicted rapist at murderer SANCHEZ, HINDI LALAYA — P-DIGONG

  • Mylene Alfonso
  • Aug 24, 2019
  • 1 min read

HINDI papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makalaya ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez bilang beneficiary ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang naturang batas na nagtatapyas sa taon ng mga preso dahil sa magandang-asal ay hindi puwede sa mga habitual delinquent, mga pumupuga at mga taong kinasuhan dahil sa karumal-dumal na krimen.

Kaugnay nito, welcome naman sa Palasyo ang panawagan ng mga mambabatas na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa eligibility ni Sanchez sa GCTA.

Aniya, sa pamamagitan ng isasagawang pagdinig, masisigurong makabubuo ang mga mambabatas ng mga batas na hindi lamang patas kundi morally sound.

Suportado rin nito ang Bureau of Corrections (BuCor) sa plano nitong masusing i-review ang GCTA ng mga taong napang guilty ng korte dahil sa paggawa ng heinous crimes na sobrang lala na hindi na nagpapakita ng moralidad.

Habang wala umanong kamay ang Ehekutibo sa implementasyon ng GCTA, ipinaalala ng Palasyo na titiyakin ng pamahalaan na makakabenepisyo ang mga taong kuwalipikado talaga sa RA 10592.

Una nang kinumpirma ni Senador ‘Bong’ Go na nagalit si Pangulong Duterte sa napaulat na posibleng paglaya ni Sanchez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page