top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BF, 'di raw nag-ghosting… SUE, UMAMING SIYA ANG NAKIPAG-BREAK KAY JOAO

  • Vinia Vivar
  • Aug 24, 2019
  • 2 min read

HINDI nakapag-deny si Sue Ramirez nang matanong siya sa presscon ng pelikulang Cuddle Weather held last Thursday night kung sila pa ba ng dyowang si Joao Constancia na miyembro ng BoybandPH.

Matagal na hindi nakasagot ang aktres kaya ru’n pa lang ay naghinala na ang enter­tainment press na split na sila.

Nasambit na lang ni Sue, “I-judge n’yo na lang po ‘yung action ko, ayoko nang magsalita.”

When asked kung complicated ba, sumagot naman siya ng “Opo, yes.”

After the Q&A ay ito pa rin ang iti­nanong kay Sue sa individual interview since bitin nga ang sagot niya nu’ng una at umamin naman agad ang aktres at sey nga niya, ayaw niyang magsinungaling.

Wala pa raw one-month silang nag­hihiwalay at tumagal din ng two years ang kanilang relasyon. Sa tanong kung may third party, sinabi niya agad na wala.

Maayos daw ang breakup nila, nag-usap sila at hindi case ng “ghosting” ang nangyari. Siya raw ang nakipag-break at sey niya, “Ayaw niya, siyempre.”

Siyempre, kasama sa mga naitanong kung ano ang cause ng breakup at aniya ay differences daw sa views and opinions sa mga bagay-bagay.

“Madaling sabihin na ‘yung mga differences ay hindi nagma-matter but after two years, you’ll actually see the effect. ‘Yung makikita mo na ‘yung effect sa ‘yo at saka sa kanya,” sey niya.

When asked kung na-fall out of love ba siya, aniya ay hindi at hindi rin daw ma­sasabing na-outgrow niya ang boyfriend.

“Basta marami lang po kaming hindi napagkakasunduan.”

Dahil medyo sexy nga ang tema ng Cuddle Weather, natanong din si Sue kung hindi kaya dahil sa pagpapa-sexy niya kaya sila nag-break at aniya ay hindi raw.

“Ay hindi po, wala, hindi po talaga. Hindi ‘yun ang issue. Work is not the issue,” she said.

Paano siya nagko-cope up ngayon?

“Thank God, I had work, I had a lot of work and my workmates has been helping me go through it. Okay naman, and we still talk. Hindi kami naghi­walay na hindi kami okay sa isa’t isa. Kanina, nag-usap pa kami,” sey niya.

Sa Cuddle Weather ay kapareha ni Sue si RK Bagatsing at sa trailer pa lang ay makikita na talagang may pagka-daring ang movie at maraming sexy scenes ang dalawa. Pero ayon nga sa aktor, romantic-comedy pa rin ito at love story pa rin.

Ginagampanan nina Sue at RK ang role na sex workers na naging cuddle partners.

Mula sa Project 8 Corner San Joaquin and Regal Entertainment, showing na sa Sept. 13 ang Cuddle Weather bilang parte ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Ito ay mula sa direksiyon ni Rod Marmol.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page