top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wala nang kiyeme-kiyeme kahit first time lang nila… Andrea, bumigay agad nang niyaya ni Seth

  • Vinia Vivar
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

PINAKILIG ng SethDrea love team ang kanilang mga fans nang mag-propose si Seth Fedelin kay Andrea Brillantes to be his date to the ABS-CBN Ball 2019 na gaganapin sa Sept. 14.

Ipinost nina Seth at Andrea sa kani-kanilang Instagram ang photos and videos ng surprise proposal na napaka-sweet naman talaga.

Sa video na ipinost ni Andrea ay makikitang sinorpresa siya ni Seth nang ipasok sa isang room filled with red balloons at sa floor ay may candles pa na heart-shaped.

Sa larawan namang ipinost ni Seth ay makikitang may hawak pang bouquet of sunflowers si Andrea at may malaki pang teddy bear.

Ang sweet ng caption ni Seth at super-nakakakilig.

“Salamat Marga este Ms. @blythe sa pagpayag na maging ka-partner ko sa darating na ABS-CBN Ball.

At lagi mong tatandaan, kahit na ano’ng sabihin ng iba, respeto ko sa iyo ay kailanman hindi mawawala,” ang caption ni Seth.

Sa caption naman ni Andrea ay ipi­nahayag niyang first time raw niyang makatanggap ng ganitong surprise.

First time experiencing a surprise like this!! Thank you potchi! @imsethfedelin. Siyempre, ‘di naman ako tatanggi maging partner mo sa ABS-CBN Ball, lakas mo sa ‘kin, eh,” caption ni Andrea.

Grabe ang kilig ng mga fans at sobrang happy sila sa nakikita rin nilang happiness ng dalawa. May isa ngang nag-comment na nakikita raw niya sa dalawa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Komento naman ng isang fan, “Waahhh super sweet at totoo lang lahat, walang halong pakiyeme pero naram­daman ko, super-totoo ‘yung feelings na nararamdaman nila for each other. God bless Seth and Blythe, may the Lord bless your relationship as friends for now. Nakakaiyak ang mga ganitong eksena. Bihira na lang ang mga lalaking ganyan...”

First time ng dalawa to attend the ABS-CBN Ball kaya for sure ay excited na sila, pati na rin ang kanilang mga fans.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page