top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagkagusto sa adik at pokp*k pero iba ang makatutuluyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN 1. May kaibigan ako, Maestro, na may pagkaadik, kaya kung sinu-sinong adik din sa aming lugar ang nakagagalaw sa kanya. 2. Pero, bago siya naging ganu’n ay crush ko na siya at naging mag-M.U. kami. Ang problema, bigla siyang nag-asawa. Napangasawa niya ay adik din, kaya nagkahiwalay sila. Nang magkahiwalay sila, ru’n na nagsimulang gumulo ang buhay niya. 3. Sadyang nanghihinayang ako sa nangyari sa buhay niya at ng kanyang pamilya. 4. Ang totoo, gusto ko pa rin siya hanggang ngayon. Kaya lang hindi ako adik, kaya hindi ko siya nakakasama. 5. Magulo ang isip ko kung saan minsan, parang gusto ko siyang tulungang magbago at magpakatino. Ano ang dapat kong gawin, wala pa kasi akong nobya ngayon? 6. May posibilidad bang maging kami kung liligawan ko siya? Pero, hindi ko alam kung paano ako magsisimula dahil magkaiba na ang mundo namin. KASAGUTAN 1. Imposibleng mangyari ang iniisip mo sapagkat kung iisiping mabuti, ikaw ay matinong lalaki o hindi ka nag-aadik habang ang kursunada mong babae ay nasa grupo ng mga adik o may masasamang bisyo. 2. Kaya kung ibabalik mo pa ang dati, parang malabo na nga itong mangyari, maliban na lang kung makikibarkada ka sa mga nag-aadik para muli kang mapalapit sa kanya. 3. Samantala, ganito ang sinasabi ng iyong kapalaran. Hindi siya ang makatutuluyan mo, sa halip, babaeng nakapag-aral ding tulad mo na matino ang itinakda sa iyo ng kapalaran na kinumpirma ng Guhit ng Babae (Drawing A. at B. B-B arrow a.) na sumabay at dagliang pumatong sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) hanggang ang nasabing Guhit ng Babae at Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) ay naging matatag at makapal na guhit sa kaliwa at kanan mong palad. 4. Tanda na kung hindi man mas mayaman, edukada at magaling sa iyo ang babaeng mapapangasawa mo, tiyak na ka-level mo siya. MGA DAPAT GAWIN 1. Kung iisa-isahin nating babalikan ang nakaraan, tunay ngang maraming bagay na makikita ang tao na dapat panghinayangan tulad din ng dati mong crush na naging adik na ngayon na kahit sabihin pa nating kung kani-kaninong lalaki na lang nagpapagalaw. 2. Kaya lang, may magagawa ba ang panghihinayang sa mga nagdaang pangyayari kung bakit hindi pa kayo ang naging magkasintahan? 3. Dahil hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan, ang dapat mong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang future mo. 4. Habang, ayon sa iyong mga datos, El Cid, sa taong 2020, magkaka-girlfriend ka na hatid ng babaeng matino, mas angat sa iyo ang lebel ng pamumuhay at sa bandang huli, siya na rin ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagtatayo ng maunlad at maligayang pagpapamilya (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) habang ang babaeng dating crush mo na naging adik na ay magiging bahagi na lang ng nakaraan mo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page