MOST WANTED CRIMINAL NASAKOTE
Pabs Hernandez III
Aug 23, 2019
1 min read
LA UNION—Naaresto ng pulisya ang most wanted criminal kamakalawa sa Baccuit Norte, Bauang.
Nakilala ang suspek na si Limuel Marasigan, nakatira sa Bgy. Pagdalagan Sur sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Marasigan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted murder sa Batangas.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments