top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mahal lang daw bilang kaibigan… sigaw ni Ion: hindi ako bf ni Vice

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

SA kanyang latest na pahayag, pinasinungalingan ng sumikat na si Kuya Escort Ion Perez ng Miss Q and A ang nababalitang relasyon nito with It’s Showtime host, Vice Ganda. Naganap ang pagdi-deny ni Ion na may relasyon sila ni Vice sa nakaraang story conference ng upcoming movie na Mang Kepweng, kung saan kasali si Kuya Escort. Face-to-face siyang tinanong ng mga reporters kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Vice.

Totoo nga bang may relasyon sila ni Vice Ganda?

Hindi,” matapang nitong sagot.

Kanyang depensa, “Ano lang kami, sobrang malapit lang kami sa isa’t isa, kaya siguro ‘yung mga tao, sobrang nag-iisip sila... ganoon ‘yung naging reaksiyon nila.

“Sobrang malapit lang kami sa isa’t isa,” paulit-ulit niyang sabi.

Aniya pa, “Sobrang close kami... close na close kami ni Vice, parang hindi na rin siya naiiba sa akin.”

Hirit pa ng mga press, baka ‘di raw seryoso ang ginagawang biro sa kanila ni Vice sa noontime show na It’s Showtime.

Malay natin! May konting ano naman, minsan napapansin n’yo... pero biru-biruan lang kami,” sagot ng binata.

Mahal naman daw niya si Vice bilang kaibigan.

“Mahal ko po siya as a friend.”

Hindi kaya sinabihan lang siya ng management na huwag sagutin ang isyung may relasyon talaga sila ni Vice dahil ayaw lang nilang aminin?

Paliwanag niya, “Sobrang ano lang po kami talaga, sobrang close po kami talaga ni Meme [tawag kay Vice], kaya lahat ng ibang tao, mine-mention ganu’n po,” muli niyang sagot.

Okay lang daw kay Ion kahit patuloy pa silang tinutukso ni Vice sa It’s Showtime.

Wala naman pong isyu sa akin ‘yun. Alam ko naman po ‘yung tao, sobrang bait naman sa akin.

“Saka wala naman po siyang ginagawang masama sa akin,” sey ni Ion.

Biglang sumikat si Ion kahit halos mag-iisang taon pa lamang ito simula nang mapabilang ang Kapampangan hunk sa It’s Showtime. Unti-unti na siyang nakikilala at bilang patunay, kasama siya sa Mang Kepweng film.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page