top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kesa ma-depressed… MGA DAPAT GAWIN ‘PAG IKAW ANG SAKIT NG ULO NG PAMILYA

  • Ms. Rio
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

No Problem

ANG mga tao ay pinagtatagpo ng tadhana para maging connected at magkaroon ng bonding, pero ang pinakamahalaga sa lahat, ang maging belong. Ibig sabihin, kailangan natin ang mga positive experiences, lalo na sa mga taong ka-close at pinahahalagahan natin.

Kapag ang fundamental need na maging belong ay hindi napunan, dito na pumapasok ang anxiety, pagkainggit, labis na kalungkutan at depresyon.

Para sa karamihan, ang pamilya ay matatawag na wellspring of belongingness, ngunit, sa panig ng mga “blacksheep” na palaging nakararanas ng disapproval at madalas na naa-out of place sa pamilya, iba ang nagiging perspective nila sa buhay dahil ‘ika nga ng manunulat na si Aletheia Luna ng Lonerwolf, ang pamilya ay maaaring makabuo o makasira ng pagkatao natin.

Anu-ano nga ba ang dapat gawin kung feeling mo ay ikaw ang blacksheep sa pamilya?

1. MAGING MAS MALAPIT SA KAPALAGAYAN NG LOOB. Kung hindi natin ka-close ang ilang miyembro ng pamilya, makatutulong ang pagbuo ng mas matatag na koneksiyon at relasyon sa mga taong nagpaparamdam sa atin na tayo ay belong. Ang mga kapatid ang kadalasang hindi nakakasundo ng mga blacksheep, ngunit, may mga nagsasabi namang mas ka-close nila ang mga kapatid nila kaysa sa mga magulang nila habang ang iba ay mas nakararamdam ng sense of belongingness sa ibang tao. Sabi nga ni Jena Malone, American actress, lahat tayo ay nangangailangan ng ituturing na pamilya na siyang magiging pundasyon ng ating pagkatao. Pero, maging matalino rin tayo sa mga taong pakikisamahan natin, du’n tayo sa magiging dahilan ng improvement natin!

2. MAGLAGAY NG HANGGANAN O BOUNDARIES. Ang boundaries ay nagsisilbing proteksiyon. Ito rin ay nakatutulong para magkaroon ng fresh start ang mga blacksheep. Makatutulong ang pansamantalang paglayo sa mga tao, lalo na kung pakiramdam mo ay palagi mong kinakailangan ang acceptance nila na hindi naman nila sa iyo ibinibigay kahit na ano pa ang gawin mong effort. Ayon kay Freya Stark, British explorer, ang absence ay isa sa mga useful ingredient sa pamilya na kapag ginawa nang may kaayusan ay magandang artwork ang magiging resulta.

3. TUMINGIN SA MGA POSITIBONG BAGAY. Hindi madali ang maging blacksheep sa pamilya dahil mapupuno ng negativities ang isip mo, lalo na kung ang sarili mo pang pamilya ang hindi ka kayang tanggapin sa kung sino at ano ka. Ngunit, ang pagiging “different” ay kasingkahulugan ng pagiging “unique”. Hindi porke naiiba ka ay magpapakapariwara ka na. Kaya ang payo ng expert na si Vinita Mehta, psychologist, imbes na magpakasira ka, i-rebuild mo ang iyong sarili. Gawin mong motibasyon ang masasakit na karanasan mo.

4. PAGPAPAKATOTOO SA SARILI. Sey ni Sara Stanizai, therapist, kapag nagpakatotoo ka sa sarili mo, magiging proud ka at mas mauunawaan mo kung sino ka talaga. Sa ganitong pagkakataon, hindi na masyadong makaaapekto sa iyo ang sinasabi ng iba dahil mas kilala mo na ang sarili mo. Kung may sabihin man ang ibang tao tungkol sa iyo, hayaan mo lang, basta alam mong busy ka sa sarili mong buhay.

Walang perpektong pamilya dahil walang perpektong tao. Bawat indibidwal na bumubuo sa pamilya ay magkakaiba ang ugali, pero kung pakiramdam mong isa ka sa mga blacksheep, makabubuti kung gumawa ka ng paraan para iangat ang sarili mo sa mabuting paraan.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page