KAGAWAD BINOGA NG KELOT
- Pabs Hernandez III
- Aug 23, 2019
- 1 min read
CAMARINES SUR—Sugatan ang kagawad nang barilin ng lalaki kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Tinambac.
Kinilala ang biktima na si Kagawad Edgar Nepas, samantalang, ang suspek ay si Aldrin Tuy, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Nepas at Tuy na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Ginagamot na sa ospital si Nepas, samantalang, agad namang naaresto ang suspek.





Comments